Tuesday, January 9, 2007

It Kills Me!

If missing someone could kill, I'm dead! Miss ko na ang mga taong naging inspirasyon ko noon. Yung mga taong masasabi kong tunay na mga kaibigan. Dati rati, madalas ko silang katext, kakulitan at minsan katampuhan. Ngayon, lahat ng 'yon ay wala na.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko, "May nagawa ba akong masama?" "Masama ba akong tao?"

Bakit sa isang iglap, bigla na lang naging iba yung trato nila sa akin? I can't be perfect for them. I admit, may mga panahon na nasaktan ko ang mga damdamin nila pero naaayos naman namin dati kaagad yun eh! Dati, sinasabi nila ang mga pagkakamali ko. Pero ngayon, bakit sa iba ko pa nalalaman na masama loob nila sa akin.

Okay lang naman sa akin kung ayaw na nila sa akin eh! It's their perrogative. Pero, bakit kailangan sa ganitong paraan?

Ganun pa man. For sure, I'll be happy for them. As for me, I have to move on. Life goes on. Nasanay ako dati na wala sila, I just hope na masasanay ulit ako without them.

I am not an expressive person. Kaya, dito ko na lang sinasabi yung mga hinanakit ko sa mga nangyayari sa buhay ko.

I know friends come and go. But only few can leave footprints in you heart and they just did. As for now, ang mahalaga ay kung sino ang naiwan hindi yung nang-iwan. I thank those people who prefer to stay because they accept me for who I am and what I am. Not for whom I pretend to be. And GOD, I thank you for them!

I am not PERFECT! GOD knows how I care for people I love. To GOD be the Glory!


No comments:

Powered By Blogger